Hi guys! Pa-rant naman🥹. Dito na lang kasi this platform became my safe place na and I think people here are nice and all. Kailangan ko lang ng kahit kaunting advice kasi I'm so scared right now.
So like, napepressure kasi ako, natatakot, and feeling all negative kasi ngayon lang nag-sink in sa akin lahat--na I'm about to enter college na next year pero heto at pakiramdam ko I'm still immature and I lack the necessary skills when it comes to interacting and communicating with people. I'm always afraid of asking, I don't even know how to carry a conversation, eye contact makes me anxious, I'm really, like really reallyyy afraid of getting out of my comfort zone. People find me unapproachable because I show them na I'm an unbothered biatch, na serious person ako ganyan, pero deep inside, hindi ko lang talaga alam kung paano makikitungo sa kanila, ahh damn this social anxiety! Bilang na bilang lang sa daliri ang mga kaibigan ko dahil nahihirapan akong mag-build ng good relationship with others. I'm considering na huwag munang tumuloy sa college and mag-work muna somewhere kasi gusto ko munang ma-overcome 'to, gusto ko munang maging better version of myself, pero natatakot ako sa consequence eh, mahuhuli ako and there is no guarantee kung magiging successful ba 'tong pagbabagong anyo kong 'to😭. Hayy, ang tagal kong iniwasang i-overthink ang mga ganitong bagay dahil ayokong ma-stress pero hindi ko akalaing magigising ako sa katotohan at ma-rerealize na tama na ang pag-iwas, hindi nakakabuti.
I'm scared of what life holds for me.
I'm scared of failing.
So loves, especially 'yung mga older sa akin and danas na ang hirap ng buhay, can you go smack me in the head and share me some of your wisdom? I badly need it.