@koechisim
i wanted you
super excited for April
single pa rin hanggang next year HAHAHAHAHHA sungit nung libero namin dai
best girlfriends? mga Libero
ideal girl ko? may Dennise tapos Michelle sa pangalan, oh hindi naman kaya Lazaro yung surname
basta obsessed kay Denden
Are you sure you want to unfriend?
Are you sure that you want to remove this member from your family?
You have poked Koechisim
New member was successfully added to your family list!
Comment reported successfully.
Post was successfully added to your timeline!
You have reached your limit of 50000 friends!
File size error: The file exceeds allowed the limit (11 MB) and can not be uploaded.
Your video is being processed, We’ll let you know when it's ready to view.
Unable to upload a file: This file type is not supported.
We have detected some adult content on the image you uploaded, therefore we have declined your upload process.
To upload images, videos, and audio files, you have to upgrade to pro member. Upgrade To Pro
In order to sell your content and posts, start by creating a few packages. Monetization
Koechi
Delete Comment
Are you sure that you want to delete this comment ?
Koechi
Alyssa's POV
March 19th, 2008.
Isang oras nalang ay nasa Camp na ako. Kinakabahan ako na hindi ko alam, basta halo halo nararamdaman ko. Pumikit ako saglit para medyo kumalma ako.
"Aly? Hey." Nagising ako sa pagkalabit sa akin at pagtawag ni Kim. "Andito na tayo."
Tumingin ako sa paligid. Kaming dalawa nalang ang naiwan sa bus. Kinuha ko kaagad yung mga bags na dala dala ko saka kami bumaba ng bus. Napagod ako sa byahe kaya naman dumeretso agad ako sa inassign sa akin na kwarto.
Pagdating ko sa kwarto ay may mga gamit na. Nagtaka ako kasi nasa iisang room lang sila Kim at yung iba pang teammates ko.
Inilapag ko yung gamit ko sa isang kama na nasa kaliwa banda at nasa uluhan yung bintana. Isasara ko na sana yung pinto nang may nagsalita tsaka hinarangan yung pinto.
"Wait!" Pigil niya. Binuksan ko uli yung pinto tsaka bumalik sa kama ko. Isinara nung babae yung pinto saka siya pabagsak na humiga sa kama niya.
"Haaaay, pahinga na, sa wakas." Narinig kong sabi niya. Naupo ako sa kama ko pagkatapos kong ayusin yung mga gamit ko. Napalingon ako sa kanya.
Nakatagilid na siya at nakatalikod sa akin. May isang maliit na bedside table na nakapagitan sa amin. May maliit na mga picture frame dun at iilang keychains na siguro ay naiwan nung unang nagdorm dito. Mahahalata mong pagod siya dahil na rin sa pagkakaposisyon ng paghiga niya.
Hindi ko naman siya masyadong napansin kanina dahil nakatalikod na ako nung binuksan ko ulit yung pinto.
Ilang minuto rin akong nakatitig sa kanya habang tulog siya. Ilang segundo lang ay humarap siya sa kung saan ako nakaupo. Ang ganda niya. Matangos ang ilong, maputi at yeah, maganda talaga.
Nakaramdam ako ng hiya kaya napatayo ako saka napagdesisyunang lumabas muna para kumuha sana ng pagkain. Hindi pa man ako nakakahakbang ay nakita kong umupo siya at saka nagkusot ng mata.
"What time is it?" Mahina niyang tanong. Napatingin ako sa relos ko. "A-ahhm, 5:54 pm, b-bakit?" Nahihiya kong sagot.
"Nothing." Maikli niyang sagot. Nagpatuloy na akong lumakad, nagugutom na kasi talaga ako. "Uhmm, can you do me a favor?" Biglang sabi niya.
"Y-yeah, sure." Nahihiya ko pa ring sagot saka nagkamot ng ulo."Pupunta ka ba ng convenient store or sa fast-food resto?" Nakangiti niyang tanong.
"Diyan lang sa labas ng campus, baka kasi malayo pa yung convinient stores sa labas e, bakit?"
"Sasabay sana ako, medyo nagugutom na rin ako, nakalimutan ko yung mga pinabaon ni Mom sa'kin. Pwede ba?"
"S-sure, si Kimmy lang naman yung magpapasabay na magpabili sa akin." Nahihiya kong pagpayag.
Tumayo siya saka nag-inat. "By the way, Dennise Michelle Lazaro, from CSA, and you are?" Kaswal niyang tanong. "Alyssa Caymo Valdez, UST." Nakayuko kong sagot saka inabot yung kamay ko. "N-nice to meet you, Dennise." Nahihiya kong bati.
Natawa siya nang bahagya saka nakipagkamay sa akin. "Denden nalang, medyo complicated at awkward kapag first name ko talaga e, by the way, nice to meet you too, Alyssa."
"Aly na lang, para hindi masyadong mahaba." Nakangiti kong sabi saka binitawan yung kamay niya at nagkamot ng ulo.
"Nahihiya ka ba sa'kin? O natatakot? Don't worry, mukha lang akong masungit pero tahimik lang talaga ako. Tsaka huwag ka nang mailang, besides, medyo matagal tagal rin tayong magkakasama, masanay ka na." Natatawa niyang sabi.
May kinuha siya saglit sa duffel bag niya. Pagtapos nun ay tumayo na siya saka tinanggal yung tali ng buhok niya at inayos yun ng konti. "Tara na?" Aya niya sa akin. Para akong natauhan nang ayain niya ako. Aminin ko man o hindi, maganda siya. Mabait at hindi naman ganoon ka-isnabera o masungit. She caught my attention.
Pagkalabas ay isinara namin yung pinto at saka dumeretso doon sa may admin ng dorm.
Itinanong ko kung nasaan yung dorm nila Kim. Third floor. Hindi na rin ako nagdesisyong umakyat kasi matatagalan kami, kaya ibibili ko nalang siya gamit yung extrang pera ko.
"Hindi ba natin siya pupuntahan?" Tanong ni Denden.
"Hindi na, matatagalan pa tayo." Seryosong sagot ko. "Tsaka baka mapagod ka lalo, ako na lang maghahatid ng pagkain niya pagbalik natin." Dagdag ko pa.
"Hmm, okay, besides, gusto ko na rin mag-halfbath, lagkit na lagkit na ako sa sarili ko." Natatawang sabi niya.
"Tara na, medyo madilim na rin, maaga pa yung mga training bukas." Pag-aaya ko sa kanya.
Nagsimula kaming maglakad since medyo malayo layo yung gate nitong dorm namin. Medyo madilim na kaya naman pinauuna ko siya sa paglalakad.
" 'Di ka ba natatakot maglakad ng ganitong oras, Aly?" Biglang nabasag ang katahimikan dahil sa tanong niya.
"Hindi naman, sanay na ako, since elementary ganito na ginagawa ko e." Seryoso kong sagot.
"Ako kasi, hatid sundo ng driver namin, kaya hindi ako masyadong nag-aalala kapag medyo late na ako nakakauwi. Medyo kinakabahan nga ako ngayon eh, pasensya na ha?"
Pagkasabi niya na kinakabahan siya, agad akong tumabi sa kanya. "Wala naman sigurong elemento na gumagala rito, wala rin naman sigurong mga snatcher tsaka holdaper, kidnapper siguro meron." Pabiro kong sabi kaya naman napahawak siya sa braso ko. Huminto kaming dalawa sa paglalakad.
"A-Aly naman e, wag kang magbibiro ng ganiyan, you're scaring me." Halata sa boses niya yung takot kaya naman hinawakan ko yung kamay niya.
"Oo na, tara na, baka 'di ko na matiis 'tong gutom ko." Binilisan nalang namin paglalakad namin hanggang sa makarating kami sa gate. Paglabas ng gate ay natanaw namin yung mga food stalls. Maraming pagpipilian. Since hindi naman kami mapili ni Kim sa pagkain, bumili nalang ako ng 3 order ng tapsilog, 2 malaking potato chips, tsaka 2 malaking gatorade. Nakita kong pumunta si Denden doon sa fastfood resto na malapit lang dito sa dormitory ng camp namin. Pagtapos kong mabayaran lahat ay sinundan ko siya. Hinintay ko nalang siya sa labas. mga ilang minuto lang ay lumabas na siya.
Nakita ko yung order niya. parang pang dalawang tao e. 2 order ng spaghetti, 3 burger tapos isang malaking drink.
"Kaya mo bang ubusin lahat yan???" Taka kong tanong. Hindi kasi halata sa katawan niyang kumakain siya ng ganon kadami.
"Syempre share tayo, pero kapag 'di ko naubos, syempre ikaw uubos." Sagot niya saka tumawa.
"Seriously? Denden???????" Natatawa ko ring sagot sa kanya. Nag-umpisa na ulit kaming maglakad pabalik ng dorm. Madilim na kaya naman nagpresinta na akong bitbitin yung dala niya at paalalahanan siyang huwag lalayo sa akin dahil nga sa hindi naman namin kabisado itong lugar na 'to.
Sa bilis niyang maglakad ay halos matalisod ako. Hindi ko na siya masundan ng ayos kasi nga medyo nangangalay na paa ko. Nakarating na kami sa loob ng building ng dorm kung saan kami nakadorm. Hirap na rin akong umakyat ng hagdan. nasa 2nd floor kasi kami.
Pagkarating namin sa tapat ng dorm, nagtaaka ako kasi sa pagkakaalam ko ay patay ang ilaw at nakalock yung pinto nung umalis kami. Pagpasok namin sinalubong kami kaagad ni Kim.
"VALDEZZZZZZZZZZZZZ! Kanina pa ako nagugutom, bakit ang tagal mo ha?!" Sigaw niya sa akin.
"Sorry na, inantay ko pa kasi siya eh." Sabi ko sabay turo kay Denden na kasalukuyang naguguluhan at nagpipigil ng tawa sa amin.
"Girlfriend mo? Ikaw ha? Isang araw pa lang tayo dito sa camp, nakabingwit ka kaagad." Nanunukso niyang sabi.
"Hoy!!" Sigaw ko sa kanya. "Siraulo, hindi ko girlfriend yan, siya yung roommate ko dito!" Dagdag ko pa.
Natawa silang parehas habang ako eh hiyang hiya sa pinagsasabi ni Kim ngayon ngayon lang.
FASTFORWARD TO JANUARY 4th, 2024.
"Magkakasama na naman kayo, Aly." Seryosong sabi sa akin ni Ella.
"Alam mo na rin pala 'no?" Mahina kong sabi kay Ella habang nakayuko pa rin.
"I saw her last night, with her boyfriend, kausap si Coach-" Bigla siyang huminto nung bigla akong napatayo.
"Let's not talk about her, Ells, i'm tired." Walang emosyong sabi ko sa kanya. Iniwan ko si Ella sa parking lot at nagdesisyon akong bumalik na sa condo ko nang may makabanggaan ako habang naglalakad pauwi.
*THUMP!!*
Napaatras ako. It was...
"A-Aly. What a surprise." Yeah, it was her, the girl that i'm hating so much at the moment, the girl that broke her promise 7 years ago, the girl that once made my world turn upside down. And the girl that i love so much despite of everything. Dennise Michelle Lazaro.
"Sorry, i gotta go." Pigil na pigil yung luha ko. Pero bago pa man ako makahakbang ay nahawakan na niya yung braso ko.
"Please, mag-usap muna tayo, 10 minutes, if you don't mind." Bakas sa tono ng boses niya yung sinseridad.
"May appointment ako. Tsaka, kasama mo boyfriend- ay fiancee pala." Naiiyak at mahina kong sabi tsaka hinila yung braso ko sa kanya.
Naglakad na ako papasok ng lobby ng condo. Mabilis akong pumunta sa elevator pero nahabol niya pa rin ako. Nakatalikod ako sa kanya. Pinipindot ko ng paulit ulit yung call buttons. Niyakap niya ako habang nakatalikod pa rin ako sa kanya.
"Aly, please? Kahit 10 minuto lang, please?" Pagmamakaawa niya habang umiiyak. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya nang magbukas yung elevator. Pagpasok ko ay sumunod siya.
Gustuhin ko mang sigawan, sumbatan at magalit sa kanya sa mga oras na 'to pero wala akong magawa. My mind wants to do all of this but my heart wants to hug and kiss her like before to stop her from crying.
Nakakabingi yung katahimikan. Hindi ko na rin napigilang umiyak. Sa sobrang sakit ng dibdib ko, nahihirapan akong magsalita. Lumapit siya sa akin saka pinunasan yung luha ko gamit yung dalawang kamay niya. She cuped my face and started to kiss my forehead.
"Damn, i missed you, and i'm still missing you." She said sweetly.
Hindi talaga ako makapagsalita sa sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko para akong kinulong sa freezer. Nanigas buong katawan ko habang nasa elevator. Tahimik ako hanggang sa huminto na nga sa 15th floor yung elevator. Walang imik akong naglakad papunta sa unit ko. Pagkabukas ko ay kaagad kaming pumasok. Pagpasok ay isinara na niya yung pinto saka inilock.
Napaupo ako. Hindi ko na kaya. Nanghihina buong tuhod ko. Napahagulgol na ako, 'di ko na talaga kaya. Napaupo na rin siya sa harapan ko saka ako niyakap at walang tigil na hinalikan sa noo.
"Shh, champ, stop crying na." She tried to calm me. Lumipat siya sa tabi ko saka umupo at isinandal rin ang likod niya sa pinto.
"This really breaks my heart, Aly." Mahinang sabi niya.
Tinignan ko siya saglit saka isinandal yung ulo ko sa balikat niya. Iniunat ko yung paa ko saka pumikit.
Delete Comment
Are you sure that you want to delete this comment ?